Title (optional)

^wala akong maisip na title, sorry.

Sobrang tagal ko ng di nakakapag-tumblr dahil tinatamad ako. Pero eto ako ngayon, di nanaman ako makatulog dahil sa maraming bagay na pumapasok sa utak ko at di ako mapalagay sa nararamdaman ko. Sa tuwing naalala ko na college na ko sa susunod na pasukan, natatakot ako, hindi ko alam pero after kong mag-enroll at nakita ko yung sched ko sa student portal, na-excite ako kahit papano, lalo na nung nakita ko na blockmates ko yung dalawa kong kaklase nung 4th year High School ako. Pero nung nalaman ko nung isang araw na tentative pa pala yung sched na yun, sobrang nainis ako. Dun na talaga ako natakot. Di ko alam bakit natatakot akong maki-mingle sa mga tao, lalo na sa mga bagong tao na makakasalamuha ko. Naisip ko naman na, wala naman akong dapat ikatakot kasi, alam ko naman sa sarili kong totoo ako. Wala akong maalala na may taong inayawan ako sa dati kong school, kahit alam ko sa sarili ko na nakakairita din yung malakas na tawa, kaingayan, at kaharutan ko. Kaya hindi ko alam ano gagawin ko pag sa college may mga taong aayawan ako. Pero kung yun ang mangyayari, dapat maging ready ako, kasi nga “you cannot please everybody”. Di ko na ata to matatapos kahit andami kong gustong sabihin. Ang sakit na ng ulo ko at naiiyak na ako pero tatry kong makatulog. Goodnight ppl. :D

Tuesday May 5 @ 02:31am
Monday Feb 2 @ 07:22pm Tuesday Dec 12 @ 07:06pm
Thursday Dec 12 @ 10:35pm

Ang nakaraan ay nakaraan. Hindi na dapat to binabalikan.

Thursday Dec 12 @ 10:05pm
Sunday Nov 11 @ 09:09pm
Sunday Nov 11 @ 08:47pm
Sunday Nov 11 @ 10:37am

Ang karma ng mga gago ay yung minsan na nga lang sila mag-seryoso, saka pa sila maloloko.

Sunday Nov 11 @ 10:21am
leilockheart:

Found on - LINK

leilockheart:

Found on - LINK

Tuesday Jul 7 @ 06:19pm